Salamat sa pagshashare nyo ng mga pictures and pagpopost ng entry sa ating blog. Ang gwagwapo at ang gaganda na ng iba nating mga klasmeyts, yung iba nman feeling lang (hehehe!). May mga nagdradrama din pla dito at may mga nagpapatawa. Nakakatuwang isipin na nagiging venue na ito ng mga klasmeyts nating gustong magshare ng kanilang adventures at mga gustong makibalita lang, in other words, makasagap ng chismis.
Nais ko lang ipaabot sa mga mga nais magpost na una sa lahat, kailangan ay may title ang post nyo para maging maayos ang layout ating blog. Pangalawa, for uniformity sake, trebuchet font ang gamitin natin at gawing large ang size ng font. I-justify ang mga sentences/phrases para maayos nman. Lahat ng setting ay makikita nyo sa toolbar na nsa taas ng notepad, be guided.
Sana ay marami pa at malayo pa ang maabot ng blog na ito! Mabuhay!
0 comments:
Post a Comment